Sabado, Setyembre 29, 2012

Sabado, Setyembre 22, 2012

pre-birthday

birthday ko na bukas..
17 na ako..
masaya?.. ewan.. exam ung iniisip ko eh..
hehehe.. sana magung masaya noh?.. sensya na, parang ginawa ko nang diary tong entry na toh.. wala eh
i feel alone nanaman.. sana makakain ng masarap bukas. hehe
gusto ko sana may mangyaring kaka iba bukas, pero parang wala eh.
well, since nung intrams naman namin masaya na ako eh.. hanggang ngayon. kaya parang normal lang.
nagpapasalamat ako, dahil syempre kahit makulit ako, di pa rin nagsawa c LORD na gisingin ako araw araw. :)). I know that I am really blessed.

happy birthday to me!. :D

ahm.. sige...eto na lng, 1, 2, 3.. fire!

Ako ay 17 years old  na bukas,
Batiin nyo naman ako ng malakas,
Isang taon nanaman ang dagdag sa edad, salamat sa bigas!
Ngayon ay september, kaya birthday ko muna ang isipin, malayo pa ang krismas.


May kakaibang mangyayari?
O, normal lang, katulad ng parati?
Di ko alam bukas kasi
Ewan, bigyan nyo nalang ako ng krabby patty.

May mag bibigay ba sa akin ng regalo?
Bigay nyo na kaya ang advance na aginaldo,
Di ko rin kasi kilala mga ninang at ninang ko,
Kaya wala akong masingil pag pasko.

Kakain ba ako ng up-to-sawa?
O wala man lng sa aking ma aawa?
Na bigyan ng maraming handa,
At pag tyagaan na lang ang chicharong may suka..

Mag-expect na ay ayaw ko
Isip ko lang ay malilito
Mag papasalamat na lang ng buong puso
At umabot ako sa edad na 'to.

Kahit ano man ang mangyari, masaya na ako
Basta kapiling ko ang mga kaibigan at pamilya ko
Hoy, ikaw! Crush, ako naman ay batiin mo!
Isang happy birthday mo lang, ang araw ko na ay mabubuo <3.



-sept22,2012




Miyerkules, Setyembre 5, 2012

TULA PARA KAY INANG KALIKASAN



Ang ating kapaligiran ay pag masdan mo
Napakaganda nga n gating paraiso
Binibigay pangangailangan ng tao
Ating mundo’y sadyang nilikha na perpekto

Sagana sa tubig, malinaw at malinis
Sarap ng simo’y ng hang’y di maaalis
Iba’t ibang hayop sa berdeng kagubatan
Magagandang tanawin,katsarap puntahan

Subalit ngayon,ano ang nangyari?
O,an gating problema at napakalaki
Masarap na tubig ngayo’y napakarumi
Nasaan na mga punong dati’y kayrami

Ang ating mundo’y unti-unting nasisira
Dahil sa pang aabuso’t pagpapabaya
Oo,tayo’y mga tao ang may pakana
Ngayo’y Inang Kalikasan ay Lumuluha

Ang ganti nya ay atin ng nararamdaman
Tao nga naman,tunay na may kasalanan
Pag-init ng mundo ay pinagdudusahan
Pati na rin, panahong di maintindihan

Subalit Hindi pa naman huli ang lahat
Mga mata natin, atin nang imulat
Iligtas natin,muling buhayin ang mundo
Dahil dito ang misyon nating mga tao

(c) Sunday, September 18, 2011