Miyerkules, Setyembre 5, 2012

TULA PARA KAY INANG KALIKASAN



Ang ating kapaligiran ay pag masdan mo
Napakaganda nga n gating paraiso
Binibigay pangangailangan ng tao
Ating mundo’y sadyang nilikha na perpekto

Sagana sa tubig, malinaw at malinis
Sarap ng simo’y ng hang’y di maaalis
Iba’t ibang hayop sa berdeng kagubatan
Magagandang tanawin,katsarap puntahan

Subalit ngayon,ano ang nangyari?
O,an gating problema at napakalaki
Masarap na tubig ngayo’y napakarumi
Nasaan na mga punong dati’y kayrami

Ang ating mundo’y unti-unting nasisira
Dahil sa pang aabuso’t pagpapabaya
Oo,tayo’y mga tao ang may pakana
Ngayo’y Inang Kalikasan ay Lumuluha

Ang ganti nya ay atin ng nararamdaman
Tao nga naman,tunay na may kasalanan
Pag-init ng mundo ay pinagdudusahan
Pati na rin, panahong di maintindihan

Subalit Hindi pa naman huli ang lahat
Mga mata natin, atin nang imulat
Iligtas natin,muling buhayin ang mundo
Dahil dito ang misyon nating mga tao

(c) Sunday, September 18, 2011 

13 komento: